Batas vs nagmamaneho ng lasing, naka-droga lalarga sa Marso 12
MANILA, Philippines - Simula sa darating na Marso 12 ay nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumulong sa implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Law.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagama’t ang Land Transportation Office (LTO) ang pangunahing ahensiyang magpapatupad nito, maari silang tumulong partikular ang paghuli sa mga lasing na driver.
Sinabi rin ni Tolentino, na kailangang tama at sapat ang mga gagamiting equipment tulad ng breathalyzer.
Sa breathalyzer, malalaman kung nakainom o naka-droga ang isang driver o nagmamaneho.
Mula P20,000 hanggang P500,000 ang multang ipapataw sa lalabag sa batas bukod sa pagkakulong ng mula tatlong buwan hanggang 20 taon.
- Latest