Senado pina-subpoena ang text messages nina PNoy, Purisima
MANILA, Philippines – Hiningi na ng Senado sa mga telecommunication companies ang kopya ng pag-uusap sa text messaging nina Pangulong Benigno Aquino III ang nagbitiw na hepe ng Philippine National Police Alan Purisima noong Enero 25 sa Mamasapano clash.
Kinumpirma ni Senate President Franklin Drilon ang nilagdaang subpoena sa kanyang panayam sa dzMM.
Aniya gagamitin ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate committee on public order sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao.
Makukumpirma ng mga ibibigay ng telecommunication companies kung totoo ang ipinakita ni Purisima na palitan nila ng mensahe ng Pangulo noong Pebrero 23.
"In effect what we are just doing is to verify the correctness of the statement in order the bottom of the study," paliwanag ni Drilon.
- Latest