Ilang opisyal ng PNP Custodial Center sibak sa Revilla-Enrile meeting
MANILA, Philippines – Sinibak ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center matapos malaman ang pagdalo ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa ika-91 kaarawan ni Sen. Juan Ponce Enrile.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong Huwebes na lumabag sa ilang patakaran ng Custodal Center ang mga opisyal ng Headquarters Support Service (HSS) na pinamumunuan ni Chief Superintendent Alberto Supapo.
"Nakita sa pag -iimbestiga na may mga hindi pagsunod sa patakaran ng PNP. Pina-relieve ang mga kinaukulan at mga responsable sa mga lapses," pahayag ni Roxas.
Bukod sa kasong administratibo, mahaharap si Supapo at iba pang HSS officials sa kasong kriminal.
Si Police Senior Superintendent Elmer Beltejar ang tatayong HSS officer in charge kapalit ni Supapo.
Sinabi pa ni Roxas na mabigat din na ebidensya ang pahayag ni PNP General Hospital, Dr. Raymond Santos, na hindi niya nakita si Revilla sa emergency room sa kabila ng pagpapaalam ng senador na paninikip ng dibdib at migraine.
"Nandito po sya sa emergency room at hindi nya nakita yung sinasabing detained na may karamdaman na pumunta raw sa emergency room...Dalawang beses na nangyari ito. Nakita sa pahayagan. Sen. Bong Revilla na letratuhan...the same thing happened with Sen. Jinggoy Estrada. Same month. Sakit ng ulo, pupunta daw ng ER pero hindi pumunta sa ER," wika ni Roxas.
- Latest