Barung-barong ni Marwan sinunog
MANILA, Philippines - Sinunog ng mga armadong lalaki ang barung-barong kung saan sinasabing napatay ang teroristang si Zulkipli bin Hir alyas Marwan.
Sa ulat ni Sr. Inspector Reggie Abellera, hepe ng Mamasapano Police, naganap ang panununog bago mag-alas-10 ng gabi.
Ayon kay Abellera sa pahayag ng mga testigo, isang grupo ng mga armado ang nagtungo sa lugar, binuhusan ng gaas saka sinilaban ang bahay ni Marwan.
Nagpadala na sila ng isang team ng mga pulis upang iberipika ang panununog bagaman aminadong hindi basta mapapasok ang lugar.
Nangyari ang insidente ilang oras matapos bumisita sa lugar ang mga miyembro ng PNP Board of Inquiry (BOI) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkakapaslang sa SAF 44. (Joy Cantos)
- Latest