Deportation case vs Smartmatic prexy
MANILA, Philippines – Bunsod umano ng pang-iinsulto sa mga Pilipinong election watchdog, sinampahan ng deportation case ng grupong Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) si Cesar Flores, presidente ng technology provider na Smartmatic Asia.
Ayon kay C3E spokesperson Dave Diwa, maghahain sila ng Summary Deportation Order laban kay Flores sa Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa paninira nito nang bansagan sila bilang mga “sitting syndicate.”
Pinaratangan din anya sila nitong nagtatrabaho para sa kalabang kumpanya ng Smartmatic.
Dagdag ni C3E co-convenor Melchor Magdamo, minaliit din ng Smartmatic official ang mga Pilipinong information technology experts sa pagsasabing hindi kaya ng mga itong magsagawa ng diagnostic test sa mga precinct count optical (PCOS) machines na gagamitin sa 2016 elections.
Magugunitang una nang binalak ng grupo ang pagharang sa Korte Suprema ng umano’y maanomalyang awarding ng kontrata ng Commission on Elections (Comelec) sa Smartmatic para sa pagsasagawa ng diagnostics sa 80,000 lumang PCOS machines.
- Latest