PNP, AFP nagkakaisa sa katotohanan - Mar
MANILA, Philippines – Tiniyak ni DILG Sec. Mar Roxas na nagkakaisa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng isyu sa Mamasamapo, Maguindanao.
Aniya, subok at maayos ang pundasyon ng kanilang samahan sa mga nakalipas na ilang taon at hindi ito masisira kailanman.
Sa pagdinig ng Senado kahapon nalinawan nang magkabilang panig ang isyu sa Maguindanao.
Kaugnay nito, iginiit nii Roxas na pawang katotohanan lamang ang kanyang inilalahad batay na rin sa kanyang nalalaman sa Mamasapano operation.
“I have been and always will tell the truth” ayon kay Roxas sa paggiit ni Sen. Nancy Binay na dapat katotohanan lamang ang sabihin niya kung sino ang may responsibildad na magsabi kay Pangulong Aquino.
Ipinaliwanag pa ni Roxas na simula pa sa umpisa ay alam naman ng lahat na wala silang kinalaman ni acting PNP Chief Deputy Director Leonardo Espina sa Oplan Exodus.
“I did not in anytime commit what you are implying in your statement. Masasabi lang namin sa Pangulo kung ano lang ang nalalaman namin,” dagdag pa ni Roxas.
Nauna ng inamin ni resigned PNP chief Alan Purisima na siya ang nagsabi sa Pangulo sa operasyon at sadya niyang hindi pinaalam kina Roxas at Espina.
Si Roxas din ang nagsabi na mali o “wrong information” ang natanggap ni Pangulong Aquino batay na rin sa lumalabas sa imbestigasyon na inayunan din ng ilang mga mambabatas.
- Latest