Store owner inutas ng tandem
February 24, 2015 | 12:00am
MANILA, Philippines – Napatay ang 66-anyos na store owner makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Piaz, bayaan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo at idineklarang patay sa Polymedic Hospital and Trauma Center ang biktimang si Gloria de Guzman. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nakikipag-usap sa kapitbahay ang biktima nang biglang lapitan at ratratin ng backrider na mabilis namang tumakas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
5 hours ago
Recommended