^

Bansa

Lola ‘tinalo’ ang holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang holdaper makaraang masakote ng pulisya at taumbayan matapos na hindi palagpasin at biktimahin ang isang 73-anyos na lola, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery hold-up ang suspek na si Joseph Montes, 25, ng Maypajo, Ca­loocan City. Positibong kinilala ito ng biktimang si Corazon Macaso, 73, balo, at naninirahan sa San Agustin,  Malabon City.

Sa imbestigasyon, mag-isang tumatawid sa may Garcia street malapit sa kanyang bahay si Lola Corazon dakong alas-7:30 ng umaga nang harangin ng sus­pek at tutukan ng patalim. Puwersahang tinangay ng suspek ang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P6,100 sa pitaka at ibang gamit.

Nang tumakbo ang suspek, nagsisigaw ang biktima at nakuha ang atensyon ng mga residente na humabol kay Montes. Tumulong naman sa paghabol ang mga pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 6 at barangay tanod hanggang sa tuluyang masakote ang holdaper.

Narekober sa suspek ang bag na hinablot sa biktima habang nakumpiska rin sa kanya ang isang 10-pulga­dang patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

ARESTADO

CORAZON MACASO

GARCIA

JOSEPH MONTES

LOLA CORAZON

MALABON CITY

MAYPAJO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with