Temperatura sa Metro Manila, bumagsak- PAGASA
MANILA, Philippines – Bumagsak kahapon ng umaga sa 18.2 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.
Unang naitala ng PAGASA ang 21.2 degrees celcuis ang temperatura kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw hanggang sa bumaba pa ito sa 19.0 degrees celcius pagsapit ng alas-5:00 kahapon ng umaga at tuluyang bumaba sa 18.5 degree celcius ganap na alas 6:10 ng kahapon ng umaga.
Noong nakaraang linggo, umabot sa 19.5 degree celcius ang naitalang minimum na temperatura sa Metro Manila.
Umabot naman sa 18.0 degrees celcius ang klima noong Pebrero 3 sa Metro Manila, ang pinakamalamig na panahon sa Kalakhang Maynila dulot ng pag- atake ng amihan.
Ayon sa PaAGASA, mananatili ang amihan sa bansa hanggang sa ikalwang linggo ng susunod na buwan ng Marso.
- Latest