^

Bansa

Musician todas sa Avian flu – DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 52-anyos na musician ang umano’y namatay bunsod ng bird flu o avian flu matapos ang isang linggo mula nang dumating ito sa bansa mula China noong Pebrero 14.

Inihayag ni Acting Health Secretary Janette Garin bagama’t sinabi nito na wala pa namang kaso ng bird flu sa bansa simula nang magkaroon ng poultry outbreak  noong 1997.

Ayon kay Usec. Garin, naging mabilis ang paglala ng sakit ng pasyente lalo pa’t lumitaw na galing ito sa bansang China kung saan lantad ito sa live poultry, kung saan nakuha nito ang  sakit na avian flu o bird flu.

Batay sa record, dumating sa bansa noong Pebrero 9 ang Filipino musician, mahina na ito hanggang sa dumanas ng pag-uubo, lagnat at diarrhea noong Feb. 11.

Nabatid na dinala ang pasyente sa isang ospital subalit tinanggihan hanggang sa namatay noong Pebrero 14. Nagtrabaho ang pasyente sa China sa loob ng 6 na taon.

Lumilitaw sa inisyal biopsy examination na naapek­tuhan ang  baga ng  pasyente subalit hindi pa umano ito kumpirmado. Maaari namang umanong makumpirma ang sanhi ng pagkamatay nito kung  sumailalim ito sa autopsy. Hind umano nirerekomenda ng  doctor sa Hong Kong ang  autopsy.

Ayon sa mga ito, posibleng malantad sa mataas na uri ng virus ang  publiko kung isasagawa ito. Na-cremate na ang bangkay ng  pasyente.

Sinabi pa ni Garin na isinailalim na rin sa isang linggong obserbasyon ang mga nakasama ng  pasyente subalit nag-negatibo naman ito sa anumang mga sintomas.

ACTING HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

AYON

BATAY

FEB

GARIN

HONG KONG

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with