TINGNAN: Text messages ni Purisima kay PNoy sa Mamasapano clash
MANILA, Philippines — Inilabas ni Sen. Grace Poe ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang transcript ng usapan nina Philippine National Police chief Director General Alan Purisima at Pangulong Benigno Aquino III noong Mamasapano clash.
Sa pamamagitan ng text nag-usap sina Purisima at Aquino tungkol sa operasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) laban kay Malaysian terrorist Zulkifi bin Hir alyas Marwan nitong nakaraang buwan.
Umabot sa 44 miyembro ng SAF ang nasawi sa engkwentro dahil sa umano'y walang dumating na tulong.
Nagsimula ang pag-uusap nina Purisima at Aquino ganap na 5:45 ng umaga hanggang gabi.
Legend:
HEBSA III - His Excellency Benigno S. Aquino III
M1 - Marwan
Basit - Basit Usman, kasamahan ni Marwan na tinugis din ng SAF ngunit nakatakas
- Latest