^

Bansa

‘Unity walk’ para sa Mamasapano idinaos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng “unity walk” ang nasa 300 militanteng kabataan para sa paghahanap ng katotohanan at managot ang may kasalanan sa pagkasawi ng 44 PNP-Special Action Force troopers sa Mamasapano massacre.

Mula “Kilometer Zero” marker sa Luneta ay naglakad ang mga kabataan patungong Ermita Church bitbit ang banner na Unity Walk for Truth and Accountability.

Suot ng grupo ang mga itim na armband at puting t-shirt na may katagang “#Nasaan Ang Pangulo”.

Bandang alas-12:00 naman ng tanghali nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound.

Ito’y matapos mabigo ang grupong magdaos ng programa sa entablado ng EDSA Shrine dahil maagap itong binakuran ng hilera ng plastic barriers at pinuwestuhan ng mga pulis at sundalo mula EPD, Army at BJMP.

BANDANG

BEINTE DOS

ERMITA CHURCH

KILOMETER ZERO

NASAAN ANG PANGULO

ORTIGAS FLYOVER

SPECIAL ACTION FORCE

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

UNITY WALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with