Bilang ng mga batang namamatay sa heart attack tataas dahil sa TV, gadget
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba ang Philippine Heart Association, Inc. na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga batang namamatay sa heart attack.
Ito ayon kay PHAI vice president Dr. Alex Juania, ay dahil sa kasakuluyang inactive lifestyle ng mga bata na pawang mga gadgets at telebisyon ang pinagtutuunan ng pansin.
Sinabi ni Junia na ang pagiging inactive ng mga bata ngayon ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng cardiovascular diseases.
Lumilitaw sa ilang reports na ilang bata na nasa edad 8 ang namatay sa heart attack nitong nakalipas na mga taon.
Paliwanag ni Junia, ang pagiging mataba ay indikasyon ng pagiging unhealthy bunsod na rin ng hindi pagiging aktibo.
Giit ni Junia, kailangan na may gabay ng magulang ang mga kinahihiligan ng mga bata maging ito man ay telebisyon o computer upang mapanatili ang kanilang pagiging malusog.
Sa Heart Month celebration, ang PHAI-Philippine College of Cardiology ay magkakaroon ng temang ‘Hala-Bira 52-100.”
Layon ng “Hala-Bira 52-100” na mahikayat ang mga bata at matatanda na gawin ang 5 serving ng prutas at gulay; pagbawas ng 2 oras ng recreational screen time; 1 oras ng ehersisyo; zero sa mga inuming matatamis at zero sa paninigarilyo.
- Latest