Armas ng SAF 44 binayaran daw sa MILF kaya isinoli
MANILA, Philippines – Nakiusap kahapon ang Malacañang na huwag lalong guluhin ang isyu tungkol sa ibinalik na mga armas ng SAF 44 ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang pagbabalik ng armas ng MILF ay patunay ng kanilang interes na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Ginawa ni Valte ang reaksiyon matapos lumutang ang ulat na binayaran umano ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang mga ninakaw na baril ng MILF sa SAF 44 upang palabasin na isinoli ito sa gobyerno.
Una nang napaulat na malaking pera umano ang ginastos ng gobyerno para maibalik ang mga nawalang armas ng SAF.
“It’s a manifestation of their continued interest to be our partners in the peace process,” sabi ni Valte.
Ipinaubaya naman ni Valte sa Philippine National Police ang pagsagot tungkol sa ulat na “kinahoy” na o kinuha ang ilang bahagi ng mga ibinalik na armas.
- Latest