^

Bansa

Malakihang protesta kasado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Libu-libong mahihirap, mga estudyante at iba’t ibang grupo ang nagkasa ng malawakan at malakihang protesta sa Edsa shrine at Mendiola para hilingin ang mabilis na paglisan ni Pangulong Aquino sa kanyang puwesto.

Ayon kay Carlito Badion, national secretary general ng grupong Kadamay, nasa sampung libong urban poor community ang kanilang target na lalahok sa protesta sa Edsa shrine habang nasa 20,000 mahigit naman ang target na makasama sa ikinasang pinakamalaking rally sa Mendiola sa Pebrero 27.

Ang mga pagkilos ay pangungunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kadamay at Alyansa Kontra Demolisyon kasama ang iba’t ibang grupo mula sa Southern Tagalog at Central Luzon.

Magsasagawa naman ng nationwide walk-out ang League of Filipino Students (LFS) at Youth Act Now sa Pebrero 27.

Susunod sa walk-out mula sa kanilang mga klase ang pagtitipon ng mga estudyante sa assembly points na nakatalaga sa Morayta, Taft Avenue sa Manila, at Philcoa sa Quezon City.

Pagsapit ng hapon ay tutulak ang mga kabataan pa-Mendiola para katagpuin ang iba pang grupo ng mga guro, church members at mga manggagawa.

Pebrero 25 pa lamang ay aarangkada na ang ikinasang people power movement laban sa Pangulo ng alyansa ng mga nasabing grupo, na target bumuo ng isang “human chain for justice and accountability” sa kahabaan ng EDSA. Magtatagal hanggang Pebrero 28 ang nasabing pagkilos.

ALYANSA KONTRA DEMOLISYON

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

CARLITO BADION

CENTRAL LUZON

EDSA

KADAMAY

LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS

MENDIOLA

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with