^

Bansa

Nag-share at nag-repost ng Mamasapano clash sa internet kakasuhan din ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakasuhan din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga taong nag-share at nag-repost sa social media ng Mamasapano clash.

Sinabi kahapon ni NBI-Cybercrime Division chioef, Atty. Ronald Aguto na tini-trace na nila ang social media accounts, IP address ng mga taong nakapag-contribute sa pagpapakalat nito sa Facebook at Youtube.

May karapatan umanong magsampa ng reklamo ang gobyerno sa users na mati-trrace dahil isa itong paglabag sa Anti-Cyber Crime Law.

Hindi aniya hihinto ang imbestigasyon sa  kung sino lang ang main source o unang nag-upload ng video sa internet, kundi sa mga netizens na mahilig mag-share sa internet.

Dalawa pa lamang ang natunton ng NBI na uploaders ng video ng Mamasapano clash at ang mga ito ay dalawang negosyante na ang isa ay mula sa Kidapawan City at isa ay mula sa Davao.

Nakuha umano ng negosyanteng taga-Kidapawan ang video sa kaibigang Muslim na nakatira sa lugar kung saan naganap ang Mamasapano incident. Ginamitan umano ng Bluetooth ang pagkopya ng video mula sa laptop at nag-share ng video sa FB friends niya gamit ang cellphone

Ang taga-Davao naman na isang Christian din ay nag-dowload, nag-copy at nag-post ng video sa internet upang palabasin na siya ang original na source nito, na naging viral.

Sinabi pa ni Aguto na pareho ang nilalaman ng nasa Youtube at Facebook ang nakuha nila sa mga cellphones na ibig sabihin ay orihinal at hindi pa na-spliced. Gagamitin ito para sa pagkilala ng mga armadong lalaki sa video at ang original source ng footage sa oras na mapatunayan ang authenticity nito para sa isusumiteng resulta  sa Joint NBI-National Prose­cution Service panel na magsasampa ng kaso.

ANTI-CYBER CRIME LAW

CYBERCRIME DIVISION

DAVAO

FACEBOOK

KIDAPAWAN CITY

MAMASAPANO

NAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PROSE

RONALD AGUTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with