^

Bansa

Masbate Governor kalaboso sa Crame

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa kustodya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)  matapos sumuko na si Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete kaugnay ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Sandiganbayan .

Sinabi ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong Jr. na si Lanete ay boluntaryong sumuko sa PNP-CIDG sa Camp Crame  dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa o ilang oras  matapos na magpalabas ng warrant of arrest sa kaso nitong plunder ang anti-graft court.

Inihayag ni Magalong na ngayong araw (Biyernes) ay ipriprisinta nila si Lanete sa korte upang desisyunan kung saan ito dapat ikulong. Patuloy naman ang pakikipagkomunikasyon ng PNP-CIDG sa sampu pang akusado rin sa kasong kaugnay ng kontrobersiyal na  priority development assistant fund.

Nabatid sa Lanete, Sumalpong, Napoles  at de Asis ay isinangkot sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund na nagkakahalaga ng P 112.29 M mula 2007 hanggang 2009.   Si Seachon-Lanete  ay kasama sa second batch ng mga mambabatas na kinasuhan ng Ombudsman ng plunder at graft sa Sandiganbayan matapos mapatunayang nakakuha umano ito ng kickback mula sa kanyang PDAF.

ASIS

BIYERNES

CAMP CRAME

CHIEF P

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG JR.

MASBATE GOVERNOR RIZALINA SEACHON-LANETE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SANDIGANBAYAN

SI SEACHON-LANETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with