^

Bansa

Isinoling armas ng SAF 44 chop-chop na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Tsinap-chop’ matapos tanggalan ng mga sophisticated gadgets ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isinauli ng mga itong  16 baril na pag-aari ng 44 napaslang na Special Action Force (SAF) commandos.

Sa ginanap na sere­monya kahapon sa Camp Aguinaldo, pormal na ipinasa nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang 16 isinoling mga baril ng MILF sa kustodya nina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina.

Kahapon ay iprinisinta sa media ng mga opisyal ang 16 isinoling mga baril ng MILF kung saan ang sinasabing pang-17 ay dulo na lamang ng tsinap-chop na assault rifle. Kinuwestiyon naman ni Espina ang kondisyon ng mga isinoling mga armas dahil kulang-kulang na ang mga bahagi nito kung saan  isa rito ay kalahati  o dulo na lamang sa halip na buo nilang nabawi.

Sinabi ni Espina na isasailalim pa sa assessment at ebalwasyon ng mga technical experts ng PNP ang mga nabawing mga armas para malaman kung anong parte nito ang nawawala at kinahoy ng MILF.

Ayon naman sa isang opisyal ng PNP na tumangging magpabanggit ng pangalan, kuwestiyonable na ang kondisyon ng mga isinoling mga armas dahil nawawala na ang mga ‘sophisticated gadgets ‘ nito na sa bawat isang armas ay aabot sa P80,000 hanggang P100,000 ang halaga.   Sinabi nito na aabot sa 60-64 mga armas ang tinangay ng mga kalaban matapos  makabakbakan ng SAF commandos ang MILF  at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 para arestuhin sina Jemaah Islamiyah (JI ) terrorist Zulkipli bin Hir at Pinoy henchman nitong si Abdul Basit Usman.

Kabilang sa mga nawawalang mga armas ay 33 Ferfrans/ rockriver assault rifles, 4 sa­vage sniper­ rifles, 4 crew-served weapons (M60 machine guns ), 10 Ferfrans M203 grenade launchers,  isang 90 MM recoiless rifle, 11 maiikling mga armas, 8 Glock handguns, 2 Beretta hand-guns at isang CZ.  Lumi­litaw naman na tinanggal sa rail system ng mga ibinalik na armas ang optical sights,  laser designators, aiming device at tactical lights.

ABDUL BASIT USMAN

ARMAS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CAMP AGUINALDO

CHARGE P

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with