^

Bansa

SC hindi pinagbigyan ang pagbasura: ‘Benhur Luy files’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na huwag gamitin sa korte ang mga tinaguriang “Benhur Luy files”.

Sinabi ni SC Public Information Office chief at spokesman Theodore Te na hindi pinagbigyan ang kahilingan ni Estrada na maglabas ng temporary restraining order na humihiling na huwag nang gamitin bilang ebidensya ang files ni Luy na naka-save sa external hard drive.

Inilabas ang desisyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 kaarawan ng senador.

Gayunman, pinagkokomento ng SC ang mga respondent kabilang ang Sandiganbayan 5th Division sa loob ng 10 araw.

Ang whistleblower na si Luy ay dating tauhan ni Janet Lim-Napoles na siya namang sinasabing nasa likod ng paglilipat ng pondo sa mga bogus na NGO ng pork barrel fund ng mga mambabatas, kabilang umano ang nakadetine ngayong si Estrada.

Matatandaang inihayag ni Luy sa bail hearing petition ni Estrada na siya ang taga-encode sa computer system ng JLN Corporation ni Napoles ng mga cash and check disbursement reports ng mga transaksyon kaugnay ng pork barrel scam.

Kanya anyang kinop­ya ang mga files na ito sa isang external hard drive na iprinisinta sa National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division bilang ebidensya sa pork barrel scam.

Una nang hiniling ni Estrada na huwag itong gamitin sa kaso subalit ibinasura ng Sandiganbayan dahilan para magpasaklolo ito sa SC.

BENHUR LUY

CYBER CRIME DIVISION

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

LUY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SANDIGANBAYAN

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with