TRO sa Palawan recall polls, ikinasa
MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Puerto Prinsesa City Mayor Lucilo Bayron sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) para itigil ang recall election sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Atty. Teddy Rigoroso, abugado ni Bayron, nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) nang payagan nito ang recall elections gayung may mga depekto ang petisyon.
Ikinasa ang recall election ng isang Alroben Goh noong Marso 17, 2014 kung saan siyam na buwan matapos na manalo si Mayor Bayron.
“Recall elections are part of the democratic experience. However, it can also be a double-edged sword. Rightly used, it can promote greater good. Wrongly used, it can result in greater evil. The recall election petition against Mayor Bayron falls under the latter category,” ayon kay Rigoroso
Kabillang sa mga paglabag ng Comelec ay ang pre-mature na pag-apruba, kabiguan ng magkaroon ng independeng ebalwasyon ng mga lumagda sa petisyon, pag-apruba sa kabila ng paliwanag ng ilang lumagda na hindi nila alam ang laman nito, at pagkabigo na maabot ang porysento ng mga lumagda.
“The Comelec is about to implement the grossly infirm recall election such that there is a paramount necessity for the high court to issue an injunction to prevent serious and irreparable damage and prejudice to Mayor Bayron and the people of the Puerto Princesa, Palawan,” dagdag pa nito.
- Latest