^

Bansa

Lagda ng mga petitioners, pineke vs Bayron

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsampa ng 20 kaso ng falsification ang isang grupo ng residente sa Puerto Princesa City sa Prosecutors Office ng lungsod laban kay Alroben Goh na lead petitioner sa recall election laban kay Mayor Lucilo Bayron.

Kasama ang kanilang abogadang si Jean Lou Aguilar, nagreklamo nitong Pebrero 5 na hindi nila alam at wala silang nilagdaang anumang dokumento para i-recall si Bayron na tumapos sa liderato ng pamilya Hagedorn matapos ang 20 taong panunungkulan.

Wika pa ni Aguilar na ginamit ni Goh ang kanilang mga pangalan sa petisyon nang hindi nila nalalaman at wala silang pahintulot dahil sinusuportahan nila si Bayron na inilarawan nilang “repormista.”

“Ang mga pangalan, tirahan at lagda ng mga nagreklamo ay isinama bilang bahagi ng recall petition ni Goh para akalaing sumusuporta sila para magkaroon ng halalan sa Puerto Prin­cesa,” ani Aguilar. Nilinaw ng mga nagreklamo na pananagutin nila si Goh upang umamin kung sino ang utak o nagpakana ng tiwaling gawain na lumabag sa kanilang mga karapatan.

“Hindi namin kailanman susuportahan ang anumang petisyon para i-recall si Mayor Bayron dahil maganda ang kanyang mga reporma sa aming lungsod,” ayon sa mga nagreklamo.

Sa liderato ni Bayron, lumikha  siya ng kasaysayan nang dayuhin ng 694,000 turista ang Puerto Princesa mula Hulyo 2013 hanggang Enero 2014 na nalagpasan ng mahigit  12,000 turista ang parehong panahon noong 2012 hanggang 2013.

AGUILAR

ALROBEN GOH

BAYRON

GOH

JEAN LOU AGUILAR

MAYOR BAYRON

MAYOR LUCILO BAYRON

PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with