PNP iimbestigahan ang mga 'palyadong' granada ng SAF 44
MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang umano'y palyadong mga granada ng M-203 grenade launcher na ginamit ng mga tauhan ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25.
Sinabi ni PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina na pinasusuri na niya sa pinuno ng PNP-Directorate for Logistics ang mga armas.
"Tignan muna natin kasi may cyclic (rate) 'yan e. Yung ano parang granada...That's what you call an M203. Tingnan natin kung (maganda) yung cycle...Tignan muna natin at pina-review ko na 'yan sa Director for Logistics. Let's see first yung 'pag test," paliwanag ni Espina.
Isiniwalat ni Superintendent Raymund Train, intelligence officer ng SAF na nanguna sa 38-miyembro ng assault team na palyado ang kanilang granada.
Ito ang sinabi ni Train sa imbestigasyon ng Kamara sa pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF na nakaengkwentro ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
- Latest