^

Bansa

Sali na sa Manila Bay Seasport Festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mga pangunahing atleta ng bansa ang magtatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival ngayong ika-14 at 15 ng Marso.

Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang  2015 Manila Bay Seasports Festival ay itatampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.

Mahigit kalahating milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat.

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino, sa numerong 0921.723.6658. First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok sa ika-16 ng Pebrero.

DRAGON BOAT RACE

ISANG

LIDA AQUINO

LUNGSOD

MAHIGIT

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

MARSO

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with