^

Bansa

Drug pushers gagamitin vs Pasay officials?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagamitin umano ng isang malaking grupo ang mga drug pusher sa pagsira sa mga opisyal ng Pasay City at sa ilang mga nagbabalak kumandidato sa darating na halalan sa 2016.

Ito ang ibinunyag ng ilang Pasay City Hall insiders kasabay ng babala na sinimulan na ang naturang plano sa buong lungsod.

Nabatid, ida­dawit ang mga target nilang opisyal na nagbabalak kumandidato sa pagbebenta ng illegal na droga sa lungsod.

“Kung hindi bilang protektor ay bilang finan­cier ng mga pusher ang ikakalat ng grupo laban sa kanilang mga target. Mga kilala o nakakulong nang drug pusher ang gagamtin sa naturang plano,” ayon sa mga insider.

“Kung nakakulong na ang pusher, lalapitan ito at aalukin ng tulong para makalaya kahit pansamantala at mala­king halaga kapalit ng pagtuturo nito sa isang opisyal o nagpahayag na ng kandidatura bilang protector o financier.

“Kung hindi pa nakakulong ang pusher, ipahuhuli ito at tataku­ting papatayin o agad na kakasuhan at ikukulong kapag hindi nito ituturo ang kanilang target bilang  protector o financier,”  wika pa ng insider.

Nagsimula na umanong gumala ang mga galamay ng grupo upang magtanong-tanong sa mga barangay tungkol sa mga kilala o pinaghihinalaang pusher sa lugar.

“Kaya’t kung may impormasyong maibibigay ang sinuman tungkol sa illegal na droga o pusher, ipasa lamang ninyo ito sa mga taong personal ninyong kilala at subok nang mapagkatiwalaan o sa mga ahensya ng gobyerno na may mandato na manghuli ng mga drug pusher,” wika pa nito.

GAGAMITIN

KAYA

NABATID

NAGSIMULA

PASAY CITY

PASAY CITY HALL

PUSHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with