Tamang asal sa House hearing hingi ng solon
MANILA, Philippines - Umapela si Isabela Rep. Rodito Albano sa mga kapwa mambabatas sa Kamara na magpakita ng tamang asal sa ginagawang pagdinig sa Mamasapano masaker.
Sabi ni Albano, hindi dapat magpadala sa kanilang emosyon ang mga kongresista na dulot ng malagim na insidente at sa halip ay dapat na magpakahinahon ang mga ito.
Kailangan din umanong panatilihin ng mga kongresista ang parliamentary conduct at sundin ang ground rules ng kanilang imbestigasyon.
Sa kabila nito, dapat pa rin umanong ituloy ng Kamara ang imbestigasyon hanggang hindi nailalabas ang katotohanan dito upang masiguro na mabibigyan ng nararapat na hustisya ang SAF 44.
Ang pahayag ni Albano ay kasunod ng batikos sa mga kongresista dahil sa nagmistulang palengke ang unang araw ng imbestigasyon.
Sa nasabing pagdinig nag-agawan ng eksena, nagtaasan ng boses at nagkabarahan pa ang mga kongresista.
- Latest