^

Bansa

Binay: No to ‘all out war’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila nang madugong sagupaan sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (SAF), nanawagan kahapon si Vice President Jejomar Binay na iwasan ang “all out war” laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“I am hoping and praying that we can have lasting peace. Ang giyera, kailangan iwasan. Pagka-giyera, may namamatay. Pero, it must be peace with justice. Basta’t tama lang. At saka ‘yong magiging kasunduan ay in consonance with our laws, particularly the Constitution,” ani Binay sa isang panayam sa kasagsagan ng Pag-IBIG I Do, I Do mass wedding sa Mandaue.

Sinabi ni Binay na ang anumang peace agreement ay kaila­ngang naa­yon sa umiiral na batas partikular ang Konstitusyon.

Muling iginiit ni Binay na kailangang magkaroon ng isang fact-finding commission na mag-iimbestiga sa nangyari sa Mamasapano upang maalis ang mga espekulasyon at pagdududa na may nagaganap na “cover-up” sa insidente.

“Ang dami-dami kasing mag-iimbestiga eh. Walo yata. Sana, ito sinasabi ko noon, sana magkaroon ng independent commission. Para walang suspetsa,” ani Binay.

Ibinasura rin ni Binay ang panawagan na magbitiw sa tungkulin si Pa­ngulong Aquino dahil sa isyu ng command responsibility sa Mamasapano encounter.

“Ayoko naman. You know, I am the vice president. Alam n’yo naman na magka-candidate ako [for presidency in 2016]. Let us just wait. I am hoping and praying that the President will overcome this problem very soon,” ani Binay.

Sinusuportahan din ng Bise Presidente ang kahilingan na taasan ang hazard pay para sa mga police officers kasunod ng nangyari sa Mamasapano, subalit alinsunod ito sa magiging desisyon ng Pangulo.

Nagbigay si Binay ng P20,000 cash benefits mula sa Pag-IBIG sa mga pamilya ng napaslang sa SAF officers na sina PO1 Windel Candano at PO1 Romeo Cempron, pawang sa Cebu matapos ang sere­monya ng mass wedding.

Ang cash benefit ay nagmula sa accumulated savings at dividends ng mga nasawi sa Pag-IBIG kasama na ang kanilang death benefits.

Pinag-aaralan na ni Binay na tumatayo ring chairman ng government housing sector, ang posibilidad na mabigyan ng housing at iba pang benepisyo ang pamilya ng mga SAF members na napatay at nasugatan sa labanan.

Sisimulan na ring ipagkaloob ng Makati City go­vernment ang tig-P100,000 para sa pamilya ng tinaguriang “Fallen 44” sa susunod na linggo.

Inalukan na rin ang mga dependents ng mga SAF men na nasawi at sa 15 survivors ng scho­larships sa University of Makati.

BINAY

BISE PRESIDENTE

I DO

MAKATI CITY

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with