^

Bansa

Video ng pagpatay sa Fallen 44 ebidensiya - DOJ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring gamitin ang video kung saan makikita na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng mga rebelde noong Ene­ro 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation na siyasating mabuti kung tunay ang video na kumakalat ngayon sa mga social networking sites.

“First of all, iyong gagawin is to authenticate and to try to validate the authenticity of that video. And then, kung authenticated or validated, then definitely, that would be evidence; that would be very important for evidentiary purposes,” ani de Lima.

Tiniyak ni  de Lima na may kakayahan ang Cybercrime Division ng NBI na alamin kung saan galing ang video at kung  tunay ito gayundin ang pagkakakilanlan ng mga bumaril. Sakali aniyang tunay ang video maaari itong tanggapin sa korte bilang ebidensiya.

Binigyan diin ni de Lima na may ilang regulasyon upang tanggapin ng korte ang ebidensiya. Kabilang na rito ang, pag-trace kung sino ang kumuha ng video at anong oras ang video.

Paliwanag ni de Lima, ang pamamaril kung saan makikita umano ang pagmamakaawa ay maitutu­ring na summary execution.

Sa ilalim aniya ng International Humanitarian Law, ang mga nasabing “circumstances” tulad ng armed conflict ay  hindi maaaring gawing excuse upang bigyan ng  hustisya ang “barbaric and cruel” acts na labag pa rin sa batas.

“Hindi pwede ma-justify yan at any circumstance kasi nga it’s an act of cruelty... Overkill, kasi bakit kailangan ulit ulitin na barilin?” ani de Lima.(Doris Borja)

CYBERCRIME DIVISION

DORIS BORJA

INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

JUSTICE SEC

KUNG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SPECIAL ACTION FORCE

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with