^

Bansa

Video ng pagpatay sa SAF 44 pinabubura ng Palasyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakiusap si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa nag-upload ng video kung saan nakita kung paano binaril sa ulo ang buhay pang miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

"Whoever uploaded that video is a heartless fellow. And if you still have some humanity left in your soul, we ask you to take it down," pahayag ni Lacieda ngayong Miyerkules.

Kita sa anim na minutong video na buhay pa ang isang miyembro ng PNP-SAF ng barilin sa ulo ng isang rebelde.

Sinabi ni Lacierda na may karapatan na magalit ang mga tao sa video, ngunit iginiit na kailangan pa rin malaman ang katotohanan sa likod ng pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF sa kamay ng Bansamoro Islamic Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

"We have right to be outraged by such brutal display of violence. But at the end of the day, we need to seek the truth. We need to find justice for all of those who died including the SAF hero who was in that video," Lacierda told reporters.

Nauna nang iginiit ng MILF na 'misencounter' ang nangyari at tapat pa rin sila sa kanilang hangarin na kapayapaan.

 

BANSAMORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

KITA

LACIEDA

LACIERDA

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MIYERKULES

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAKIUSAP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with