^

Bansa

Dummies ni Jinggoy sinilip ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng tanggapan ng Ombudsman ang ilang indibidwal na sinasabi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tumanggap ng pera mula sa detinadong negosyante na si Janet Napoles sa pamamagitan ni suspended Senator Jinggoy Estrada. Ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, may fact-finding investigations nang ginagawa ang ahensiya laban kina Carl Dominic Labayen, Juan Tan Ng at Francis Yenko  na sinasabing mga dummies  ni Estrada. Si Estrada ay inakusahang nagkaroon ng kickback na may halagang P183.79 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund na ipinondo sa pekeng NGO ni Napoles. Sinasabi sa AMLC report na ang bulto ng kickback ni Estrada ay nakuha nito sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang mga dummies na sina  Pauline Labayen, Carl Dominic Labayen, at Ng”. Ang payoffs ay ginawa sa loob ng 30 araw na nakasaad naman sa ledger ng whistleblower na si Benhur Luy. Sinasabi din sa AMLC report na ang fund transfers mula kay Napoles na may halagang P86.875 milyon ay napunta sa bank accounts ni  Ng at Yenko. Sa ngayon ang assets ni Estrada na kinapapalooban ng naturang halaga ay pinasususpinde ng Ombudsman. Una nang na-freeze ng Sandiganbayan ang assets ni suspended Senator Bong Revilla.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ASSISTANT OMBUDSMAN ASRYMAN RAFANAN

BENHUR LUY

CARL DOMINIC LABAYEN

FRANCIS YENKO

JANET NAPOLES

JUAN TAN NG

NAPOLES

PAULINE LABAYEN

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with