Payo, hindi utos ang binigay ni Purisima sa SAF
MANILA, Philippines – Iginiit ng nagbitiw na hepe ng Philippine National Police Alan Purisima na wala siyang kinalaman sa madugong opersayon ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang buwan.
Sinabi ni Purisima na wala siyang kapangyarihang magmando sa operasyon ng SAF dahil sa kanyang suspensyon, ngunit umaming nagbigay siya ng payo sa mga kasahaman.
"During my preventive suspension, I did not give any orders to any PNP official or personnel regarding Oplan Exodus but if I ever uttered words to that effect, it was in the form of an advice, not as a directive or order," paliwanag ni Purisima sa pagharap niya sa Senado.
BASAHIN: Napeñas: 250 patay sa MILF, BIFF
Inamin naman ng nasibak na SAF commander Getulio Napeñas na itinuturing niyang payo ang mga mungkahi ni Purisima
"Napeñas knows very well that he cannot and should not follow orders from anyone who is not in the chain of command such as from suspended police officer," wika ni Purisima.
Sabi naman ni Napeñas na siya ang nagdesisyon na ituloy ng operasyon kontra kina Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan,.
BASAHIN: 'SAF operations laging bigo 'pag pinapaalam sa AFP' February 9,
"There was no direct order for me, your honor, but I based the decision to go based on the continuing operations that we have done," sabi ni Napeñas.
Nagbitiw sa pwesto si Purisima nitong Biyeres dahil sa mga paratang na siya raw ang nasa likod ng magulong operasyon ng SAF.
- Latest