Binay nagpaabot ng P100K sa bawat Mamasapano survivor
MANILA, Philippines — Nagbigay ng tulong pinansyal si Bise Presidente Jejomar Binay at ang kanyang pamilya sa 15 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na nakaligtas sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang buwan.
Inimbitahan ng pamilyang Binay, kabilang ang Bise Presidente, Sen. Nancy Binay at Makati City Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay ang mga nakaligtas na PNP-SAF para sa isang tanghalian, kung saan iniabot ang P100,000 tulong.
"Having learned that those who survived may no longer be able to go back to active duty because of their injuries, we have decided to raise the amount to P100,000 [from P50,000]," paliwanag ng nakatatandang Binay.
"We hope it can help cover the family's expenditures on their treatment and therapy," dagdag niya.
Kaparehong halaga ng pera ang iniabot ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Makati sa 44 pamilya ng mga nasawing miyembro ng SAF.
- Latest