^

Bansa

Nego sa MILF itigil na - Cayetano

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Senador Alan Peter Ca­yetano sa pamahalaan na itigil na ang pakikipag-usap sa Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) dahil hindi umano ito mapagkakatiwalaan tulad ng nangyaring pagmasaker sa 44 tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force.

Kasabay nito, ayon sa senador, dapat sugpuin ang kahirapan at isulong ang kapayapaan sa mga Muslim areas.

Sinabi ni Cayetano na dapat  magkaroon ng malinaw na panuntunan o batayan ang pagsulong ng kapayapaan sa Mindanao at todo dapat ang suporta sa mga kapatid na Muslim.

“Sa buong kasaysayan, ang MILF, iisa ang modus niyan. Every time may makuha yan, ceasefire, may makuhang pera, nagpapalakas, nagpapadami ng armas, then negotiate for more. Of course, ang palagi nilang sinasabi they want self-determination at sila daw ay sinakop ng mga Pilipino,” sabi ni Cayetano.

Idiniin niya na dapat ang lahat ng batas at programa patungkol sa kapa­yapaan sa Mindanao ay nakaa­yon sa saligang batas at pagkilala sa Republika ng Pilipinas at kailangang maabot ang pangmatagalang kapayapaan at hindi hahantong sa seccesion o pagbaklas sa Pilipinas. Bukod dito, kailangang matugunan ang kahirapan, hindi pagkaka-pantay pantay, at diskriminasyon laban sa mga kapatid na Muslim.

Dapat din anyang lahat ng mamamayan ay makinabang kasama ang mga mahihirap ng probinsiya sa Mindanao, mga grupong katutubo, at mga Kristiyanong settlers na marami ng dekadang tumira sa Mindanao.

Paliwanag ni Cayetano, “Sabi sa akin ng nanay ng isa sa SAF 44, “Sir, ele­mentary pa lang ako, ang tinuturo na ay ang tatlong star, Luzon, Visayas, Min­danao. Ibibigay ba natin ang isang star? Dalawang star na lang?”

Iginiit niya na dapat matugunan ang lahat ng ugat ng rebelyon na kinabibilangan ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyon sa mga Muslim.

“I thought nagbago sila, I thought they were going for peace. Pero tingnan niyo, noong panahon ni President Marcos at nabuo ang MNLF, nagkaroon ng Tripoli agreement. Ang ginawa ng MILF founder, nagbuo ng MILF. Later on, panahon ni President Ramos, nang kinausap ang MNLF, ang MILF humiwalay na naman. Nang ang ARMM binuo, binigyan sila ng maraming pondo, ang international community.  ?Ano ang ginawa ng MILF? Ang mga base nila, ang mga nakukuha nilang pera sa gobyerno, ginawa ang mga tunnel, pinambili ng mga armas,” puna pa ni Cayetano.

Sabi pa ni Cayetano, kapag natuloy ang BBL, ang MILF ay magiging pinakamalaking private army sa buong bansa.

CAYETANO

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

PILIPINAS

PRESIDENT MARCOS

PRESIDENT RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with