PNP chief Purisima dadalo sa Mamasano probe
MANILA, Philippines – Mismong si suspendidong Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ang nagkumpirma na dadalo siya sa imbestigasyon ng Senado sa Mamamasapano clash sa Pebrero 9.
Nagkumpirma si Purisima kasabay ng kumakalat na ulat na nagbitiw na siya bilang hepe ng PNP na pinabulaanan naman ng kanyang abogado kagabi.
Ayon pa sa ibang ulat, inahayag na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Purisima sa ilang miyembro ng gabinete.
Kaugnay na balita: Purisima nakaalis na ng Pinas?
Samantala, sinabi ni Sen. Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Order, na walang rason upang hindi dumalo si Purisima sa pagdinig.
"Kahit nga 'yung mga former officials kapag merong mga nababagong isyu at nandu'n sila ng mga panahon na 'yun, kailangan ay dumalo sila," pahayag ni Poe sa dzMM.
Si Purisima ang itinuturong nagplano ng pag-atake ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 nilang miyembro.
- Latest