5 ex-congressmen, Napoles swak sa 2nd batch ng pork scam
MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng kasong korapsiyon laban sa limang dating Congressmen at sa detained businesswoman na si Janet Napoles.
“We are formally filing this afternoon the information (on the second batch of pork barrel scam cases),” pahayag ni Assistant Ombudsman Asryman Rafanan sa press conference kahapon.
Ito ay makaraang idiin ng Ombudsman sa naturang kaso ang mga dating mambabatas na sina Rizalina Seachon-Lanete (Masbate), Edgar Valdez (APEC party-list), Rodolfo Plaza (Agusan del Sur), Samuel Dangwa (Benguet) at Constantino Jaraula (Cagayan de Oro City).
Si Lanete na ngayo’y Masbate governor at si Valdez ay may kasong plunder dahil sa umano’y pagbubulsa sa P112.29 milyon at P95 milyong kickbacks mula sa kanilang Priority Development Assistance Funds (PDAF).
Nahaharap naman sa kasong malversation, direct bribery at graft and corrupt practices sina Plaza (P42.1 million), Dangwa (P26.7 million) at Jaraula (P20.8 million).
Sila ang second batch ng mga respondents sa pork barrel anomaly na sinasabing kakutsaba ni Napoles na sinasabing lumustay sa P244 milyon ng PDAF ng paglaanan ng naturang mambabatas ang pekeng NGO nito noong 2007 hanggang 2009.
- Latest