Krisis sa PNP Senior officers ipinatawag
MANILA, Philippines - Sa gitna ng dinaranas na krisis ng Philippine National Police (PNP), ipinatawag kahapon ni PNP Officer-in Charge P/Director General Leonardo Espina ang lahat ng senior commanders nito.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Espina na walang kinalaman sa loyalty check ang pagpapatawag niya sa mga Regional Directors at Unit Commanders kundi para makapokus ang PNP sa pagseserbisyo at pagpoprotekta sa mamamayan matapos ang pait at hinagpis sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.
“No it’s not (a loyalty). In the PNP, you do not need loyalty check because we are all loyal,” sabi ni Espina.
Aminado naman ang PNP Chief na apektado ang kanilang hanay ng mga pangyayari pero para sa kapakanan ng mamamayan ay kinakailangang mag-move on na ang PNP.
“It is very timely for me, the command group and all the directoral staff to meet everybody so that we have to move forward and not let our immediate past grag us in going towards the future,” ayon sa opisyal.
Sinasabing ang gusot sa PNP top brass ay matapos aminin kamakalawa ng sinibak na si SAF Commander P/Director Getulio Napeñas na kay suspended PNP Chief Director General Purisima siya nagre-report at kumukuha ng utos.
Magugunita na si Espina ay itinalagang OIC ng PNP matapos patawan ng 6 buwang preventive suspension ng Ombudsman si Purisima noong Disyembre 2014.
- Latest