^

Bansa

Assets ni Jinggoy pinasususpinde ng Ombudsman sa Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasususpinde ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang P183 milyong halaga ng assets ni suspended Senator Jinggoy Estrada habang naka-pending ang reso­­lusyon sa kasong graft at plunder ng naturang mambabatas kaugnay ng pork barrel scam.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Assistant Ombudsman Asyrman Rafanan na ang prosekusyon ay nagsampa ng ex-parte motion sa 5th Division ng Sandiganbayan na humihiling na magpalabas ito ng writ of preliminary attachment o garnishment para sa naturang assets ni Estrada na sinasabing nakuha niya mula sa kanyang kickback sa kanyang PDAF na ipinondo sa pekeng NGO ni Janet Napoles.

Ayon kay Rafanan, ang garnished properties ay maaaring cash, real properties, shares of stocks at iba pang financial instruments.

Anya, hindi na kaila­ngan pang maipreserba ang umano’y kickback ni Estrada para maprotektahan ang interes ng mamamayan at mabawi ang umano’y nakaw na yaman ng senador.

Binigyang diin ni Rafanan na nais ng prose­cuting team na makopo ang sinasabing kickback ni Estrada sa tulong na rin ng Sandiganbayan She­riff and Security Services at sheriffs ng Metro Manila at Philippine National Police (PNP).

Si Estrada ay nakakulong sa PNP Custodial Center kasama ni suspended Sen. Bong Revilla na kapwa akusado sa graft at plunder kaugnay sa pork scam at ang kapwa akusado na si Sen. Juan Ponce Enrile ay nananatiling naka-hospital arrest sa PNP Hospital dahil sa mga iniindang sakit.

vuukle comment

ASSISTANT OMBUDSMAN ASYRMAN RAFANAN

BONG REVILLA

CUSTODIAL CENTER

JANET NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAFANAN

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with