^

Bansa

‘Si Purisima ang nag-utos’ - SAF chief

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

“I took orders from Gen. Purisima!”

MANILA, Philippines – Ito ang inamin kahapon ng sinibak na si Special Action Force (SAF) Commander Director Getulio Napeñas na itinurong si suspended PNP Chief Director Ge­neral Alan Purisima ang nagbigay ng go signal para ilunsad ang Oplan Exodus na ikinasawi ng 44 nilang commandos sa madugong bakbakan sa grupo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Enero 25 sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Kasabay nito, inabsuwelto naman ni Napeñas si Pangulong Aquino sa pagsasabing hindi siya nagre-report ng direkta sa punong ehekutibo dahil may chain of command silang sinusunod.

“Hindi ako puwedeng dumiretso sa Presidente,” ayon kay Napeñas na sinasabing matagal ng proyekto ni Purisima ang nasabing operasyon si­mula pa noong Abril 2010 dahil ito ang may hawak ng intelligence report sa tinutugis na JI terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan Abdul Basit Usman.

Aminado rin ito na ipi­nabatid lamang niya ang insidente kay PNP Officer-in-Charge Leonardo Espina nang nasa lugar na ang SAF commandos habang wala rin umano sa posisyon niya ang ipara­ting pa ito kay DILG Sec. Mar Roxas.

Maraming beses na rin silang nagsagawa ng operasyon alinsunod sa ‘secret mission’ na naglalayong hulihin sina Marwan at Usman.

Ayon pa kay Napeñas dapat na purihin ang mga napaslang na 44 bayaning SAF commandos na nagbuwis ng buhay para ma-neutralize si Marwan kung saan libu-libong buhay ang nasagip sa bomba na maaring pasabugin ng nasabing international terrorist partikular sa mga urban centers sa Min­danao.

ALAN PURISIMA

CHIEF DIRECTOR GE

COMMANDER DIRECTOR GETULIO NAPE

MAR ROXAS

MARWAN

MARWAN ABDUL BASIT USMAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OFFICER-IN-CHARGE LEONARDO ESPINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with