Pagbibigay ng kontrata sa Smartmatic, nararapat
MANILA, Philippines – Iginiit ng nagretirong tagapangulo ng Commission on Elections na si Sixto Brillantes na nararapat ang pagbibigay nila ng kontrata sa Smartmatic sa paggamit ng mga precinct count optical scan (PCOS) para makatipid nang malaki ang gobyerno sa halalan sa susunod na taon.
Sa kanyang huling talumpati matapos magpaalam sa mga tauhan ng Comelec kamakalawa, sinabi ni Brillantes na ipaglalaban nila nang todo kahit saang korte ang pagbibigay ng kontrata sa Smartmatic at ipapamukha nila sa kanilang mga kalaban at maiingay na poll watchdog na tama ang desisyon ng komisyon.
Sinabi pa ni Brillantes na “pinirmahan ko na yung contracts for the diagnostics, refurbishing and repairs pero para kasama lang dito ay ang pagsasaayos ng lahat ng sira ng mga makina. Napakalaking bagay sa amin yun. It will also involve replacement of destroyed machines na wala dati sa original proposal ng Smartmatic.”
Ipinaliwanag pa ni Brillantes na hindi sila nagsagawa ng public bidding para sa pagsasa-ayos ng mga PCOS machines dahil ang Smartmatic ang supplier ng mga makina at sila ang nakakaalam kung ano ang mga sira ng mga ito.
- Latest