^

Bansa

Maliksi abswelto sa graft

Butch Quejada at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang tatlong graft ni dating Cavite Governor Erineo “Ayong” Maliksi dahilan sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin dito sa kaso may siyam na taon na ang nakararaan.

“Suffice it to state that based on obtaining facts, there is reasonable ground to believe that an offense has been committed. Be that as it may, however, it behooves the Court to state that the other ground of inordinate delay … is an overriding consideration…”  nakasaad sa resolusyon ng graft court.

Sa record, ang unang dalawang graft case ay naisampa kay Maliksi ng noo’y Cavite Vice Gov. Juan Victor “JV” Remulla  noong August  7, 2005 dahilan sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga gamot na may halagang P2.5 milyon noong 2002.

Sa alegasyon, sinasabing nai-award ni Maliksi sa Allied Pharmaceutical Laboratories, Inc. na ma­ging supplier ng gamot nang walang public bidding at walang katunayan na ang mga gamot ang may pinaka mababang halaga noong panahong iyon.

Ang ikatlong kaso ng graft ni Maliksi ay naisampa naman dito noong September 26, 2008 nang maglaan umano ito ng kuwestyonableng financial assistance sa Cavite na umaabot sa P10 milyon.

Ang kasong ito ay na­dismis din ng Sandiganbayan dahil sa katagalan na ng kaso na hindi man lamang nalapatan ng aksiyon ng Ombudsman.

Hindi naman kinilala ng graft court ang paliwanag ng Ombudsman na nagsasabing hindi naaksyunan ang kasong ito dahil sa naganap na 2010 hostage-taking sa Quirino Grandstand at dahil sa impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na nagresulta ng pagbibitiw nito sa puwesto.

Sinasabi ng graft court na ang Ombudsman ay nagpalabas lamang ng joint resolution sa kaso noong July 8, 2014, apat na taon makaraang ma-consolidate ang nabanggit na tatlong kaso.

Ayon sa Sandiganba­yan, ang akusado ay may constitutional right para magkaroon ng mabilis na pagbusisi sa kanyang kaso laluna kung ang pagkatao nito at kredibilidad ang nakasalalay.

ALLIED PHARMACEUTICAL LABORATORIES

AYON

CAVITE GOVERNOR ERINEO

CAVITE VICE GOV

JUAN VICTOR

MALIKSI

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

QUIRINO GRANDSTAND

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with