^

Bansa

PCOS diagnostic deal aprub sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na inaprubahan na nila ang Smartmatic deal para sa diagnostics ng  82,000 PCOS machines noong Enero 30.

Sa kanyang huling  araw sa Comelec, sinabi ni Chairman Sixto Brillantes na inaprubahan nila ang deal sa kabila ng  pagbatikos ng  ilang grupo hinggil sa umano’y over pricing ng kontrata.

Sinuman  aniya ang magkuwestiyon ay ma­aaring dumulog sa korte dahil makikita sa kontrata na ipinaglaban nila ang  probisyon.

Ipinaliwanag ni Brillantes, na naibaba sa P240 milyon ang P300 milyon na contract price ng Smartmatic kung saan mas lalawakan pa ang mga serbisyo kabilang na ang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga piyesa ng nasirang PCOS machines.
Nagretiro na si Brillantes kahapon kung saan pinalitan nito si dating Come­lec chairman Jose Melo, noong 2011.

Kasabay na nagretiro ni Brillantes sina Comelec commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph habang magsisilbi munang interim Comelec chairman si Comm. Christian Robert Lim.

Aniya, wala man siyang nagawang legacy, ginawa naman  niya ng tama at sapat ang kanyang  trabaho. Plano ni Brillantes na bumalik  sa private law practice, kung saan pagtutuunan nito ang taxation at annulment cases.

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CHRISTIAN ROBERT LIM

COMELEC

ELIAS YUSOPH

JOSE MELO

LUCENITO TAGLE

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with