Hiling na hadlangan ang AMLC report apela ni Jinggoy ibinasura ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines – Tinutulan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni suspended Senator Jinggoy Estrada na hadlangan ang pagpiprisinta ng report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa kanyang bank accounts.
Dahil dito, pinayagan ng anti-graft court ang AMLC na maiharap ang naturang record kahit pa may pagharang na ginawa para dito ang depensa.
Sa ginanap na bail hearing ni Estrada sa Sandiganbayan kahapon, binigyang-diin ni Sandiganbayan Associate Justice Alex Gesmundo na ang AMLC report ay naaayon sa itinatakda ng Section 11 ng Anti-Money Laundering law na nagbibigay pahintulot sa AMLC na busisiin ang bank accounts ng mga taong pinaghihinalaang may ginawang katiwalian.
Sa 90-page AMLC report, naipakita sa court kung paano tumanggap ng kickbacks si Estrada mula sa mga NGO na pinondohan ng kanyang PDAF mula sa akusadong si Janet Napoles.
- Latest