^

Bansa

Colorum trucks huhulihin na simula Pebrero 1 - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huhulihin na ang lahat ng trucks na walang franchise mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ayon kay Atty. Anna Salada, spokesperson ng LTFRB ay dahil paso na kahapon ang provisional authority (PA) na ginagamit ng ibang truck para makapa­sada. Anya, wala ng extension na ibibigay ang LTFRB para sa mga truck.

Bunga nito, ang lahat ng truck na inaaplay ng franchise na nakakapasada lamang dahil sa PA ay hindi na muna maaaring magamit sa lansangan.

Sabi ni Salada, naibigay na ng LTFRB ang lahat ng options upang maisalegal ang operasyon ng mga trucks owners at operators kaya umaasa silang maaayos lahat ang operasyon ng kanilang sasakyan.

Sa record, may 28,000 trucks ang napasada sa Metro Manila at karatig lalawigan. Umaabot sa P200,000 ang multa sa bawat colorum truck.

ANNA SALADA

ANYA

BUNGA

HUHULIHIN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SABI

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with