^

Bansa

Roxas itigil ang turuan - UNA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ihinto na ang sisihan sa nadiskaril na operasyon ng Philippine National Police laban sa teroristang Malaysian na si Zulkifli bin Hir alias “Marwan” na nagbunga sa pagkakamasaker sa mahigit 40 miyembro ng PNP-Special Action Forces.

Sinabi ni Tiangco na ang pananagutan ay hindi humihinto sa hepe ng PNP lang lalo pa at pansamantala lang itong kahalili ng suspendidong director-general. Dapat umanong balikatin ni Roxas ang ganap na responsibilidad sa operasyon ng pulisya bilang isa sa command ng PNP at alter-ego ng presidente.

Idiniin niya na hindi dapat maghugas-kamay si Roxas sa harap ng demoralisadong PNP para ipakita na hindi siya ang responsable sa pag-uutos ng operasyon sa Maguindanao laban kay Marwan.

“Sa ilalim ng sistema ng pangingibabaw ng sibilyan sa security forces, pangunahin pa ring responsibilidad ni Roxas ang kakayahan at moral ng PNP bilang instrumento ng pamahalaan at pagtitiyak na nasusu­baybayan niya ang mga malalaking operasyon tulad ng tangkang pagdakip sa pandaigdigang teroristang tulad ni Marwan.”

Ayon kay Tiangco, dapat itigil ng DILG ang pagtuturo-turo at sa halip, siyasatin ang nabigong operasyon at kakapusan sa intelligence.

Pinuna niya na ang pagkakatanggal sa hepe ng SAF ay tila panakip-butas lang para maiwasan ang pagtukoy kung sinong mas mataas na opisyal ang dapat managot.

AYON

MARWAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROXAS

SPECIAL ACTION FORCES

TIANGCO

TOBY TIANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with