6 US states nasa state of emergency sa snowstorm
MANILA, Philippines – Nagdeklara na ng state of emergency ang anim na estado sa US sa harap ng ng bantang panganib ng ‘historic’ snowstorm dulot ng Winter Storm Juno.
Kabilang dito ang New York, New Jersey, Connecticut, Rhode Island, Massachusetts at New Hampshire.
Sa website ng DZMM, nag-shutdown na ang New York City at ilang kalapit nitong lugar sa north-east US dahil sa inaasahang hanggang tatlong talampakang snow na ibabagsak ng winter storm.
Ipinagbabawal na ngayon ang pagtakbo ng non-emergency vehicles sa New York habang suspendido na rin ang subway services.
Sinasabing aabot sa 60 milyong indibidwal sa New Jersey hanggang sa Canadian border ang apektado ng tatamang weather system.
Aabot sa 6,500 flights, eskwelahan at opisina ang pinaralisa nang Winter Storm Juno.
Una nang nagbabala ang National Weather Service (NWS) ng US na isang “potentially historic blizzard” ang papalapit na “Juno.”
- Latest