^

Bansa

Takbo ng MRT pabibilisin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pabibilisin na ang takbo ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng mula 40 kilometers per hour (kph) ay gawin itong 60 hanggang 65 kph.

Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya, umaasa silang sa ikaapat na quarter ng taon ay maibalik nila ang speed ng mga tren para sa mas mabilis ring serbis­yo sa mga mana­nakay.

Papalitan rin nila ang ‘obsolete’ na signaling system ng MRT-3.

Tiniyak din ni Abaya na sisimulan nila ang rehabilitasyon sa railway ng train system ngayong taong ito.

Maglalagay rin ang DOTC ng mga bagong escalator at elevator sa mga MRT stations para maging kumbinyente ang mga pasahero.

Sa Agosto 2015 inaasahang darating sa bansa ang prototype na bagong MRT coach.

Una nang pinabilis ang takbo ng Light Rail Transit (LRT) na mula sa dating 40 kph ay ginawa ring 60 kph.

ABAYA

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JOSEPH EMILIO ABAYA

LIGHT RAIL TRANSIT

MAGLALAGAY

METRO RAIL TRANSIT

PABIBILISIN

SA AGOSTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with