^

Bansa

DTI sa mga panadero ‘Presyo ng tinapay ibaba pa’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabihan kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang grupo ng mga panadero na ibaba pa ang presyo ng kanilang tinapay partikular na ang Pinoy tasty at pandesal.

Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, bagama’t bumaba na ang presyo ng tinapay noong nakaarang taon bago mag-Pasko, kulang pa umano ito dahil bukod sa nagmura ang presyo ng harina, malaki rin ang ibinaba ng presyo ng liquified petrolelum gas (LPG) na pangunahing ginagamit sa paggawa ng tinapay.

Sa record ng DTI, umabot na sa P286 ang binaba ng presyo ng LPG at base sa kanilang bilang, dapat matapyasan pa ng P4.75 ang bawat loaf ng tasty bread habang P1.60 naman sa bawat pack na naglalaman ng 10 pandesal.

Sa kasalukuyan ay nabibili sa P36.50 ang Pinoy Tasty habang ang Pinoy Pandesal ay nabibili sa P22.25 kada 10 piraso.

Una nang pumalag ang grupo ng panadero sa hinihirit ng DTI na dagdag pang tapyas sa presyo ng tinapay.

Paliwanag ni Federation of Philippine Bakers Association vice president Chito Chavez, hindi maa­ring gamiting basehan ang serye ng rollback sa LPG para ibaba rin ang presyo ng tinapay.

Hindi anya LPG ang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay kundi harina kaya hindi maaring gamitin itong basehan para muling bawasan ang presyo ng tinapay.

Nakatakdang maki­pagpulong ang DTI sa grupo ng mga panadero.

AYON

CHITO CHAVEZ

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FEDERATION OF PHILIPPINE BAKERS ASSOCIATION

PINOY PANDESAL

PINOY TASTY

PRESYO

TINAPAY

UNDERSECRETARY VICTORIO DIMAGIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with