^

Bansa

Saudi King pumanaw

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Aquino sa pagpanaw ni Saudi King Abdullah bin Abdulaziz.

“The death of King Abdullah marks the passing of an important figure in international and regional affairs,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Kinilala rin ni Pangulong Aquino ang tulong na naiambag ng yumaong hari sa mga OFW na nasa Saudi Arabia partikular ang pagtulong kay Rodelio Lanuza at pagbibigay ng oportunidad sa mga Pinoy na ayusin ang kanilang status bukod pa sa clemency na pinayagan nito.

“The Philippines recognizes the “receptiveness” of King Abdullah to welfare of Filipino migrants,” sabi ni Valte.

Pumanaw kahapon ng madaling araw (Philippine time) si King Abdullah dahil sa sakit nito sa edad na 90 at ang papalit sa trono nito ay ang crown-prince na si Salman bin Abdulaziz al-Saud habang ang bagong crown-prince ay si Muqrin bin Abdulaziz na pawang nakakabatang kapatid ng yumaong hari ng Saudi.

ABDULAZIZ

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

KING ABDULLAH

KINILALA

MUQRIN

PANGULONG AQUINO

RODELIO LANUZA

SAUDI ARABIA

SAUDI KING ABDULLAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with