^

Bansa

Joey Marquez abswelto sa graft

Ricky Tulipat, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng San­diganbayan si dating Pa­rañaque City Mayor Joey Marquez sa kasong graft na inihain laban sa kanya kaugnay sa pagbili ng labis na halaga ng bala nang ito ay alkalde pa ng nasabing lungsod noong 1995.

Sa desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan, sinabing nabigo ang pro­sekusyon at Commission on Audit na patunayan na nagkaroon ng mahigit sa isang milyong overpricing sa pagbili ng mga bala para sa mga closed-in bodyguard ng alkalde mula sa umano’y hindi lisensyadong trader noong taong 1996 hanggang 1998.

Kasabay nito, iniutos na rin ng korte na bawiin ang hold departure order na inilabas noon laban kay Marquez at pinababalik na rin sa kanya ang piyan­sang inihain nito.

Nag-ugat ang kaso sa isinampa ng Ombudsman mula sa audit report na ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ay bumili ng mga bala noong nasa­bing mga taon at labis ito sa presyo sa halagang P1.219 milyon.

vuukle comment

BALA

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

INABSUWELTO

KASABAY

MARQUEZ

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with