English only, pls.
MANILA, Philippines - Umalma ang isang militanteng kongresista sa paninita ng kapwa nito kongresista dahil sa hindi pagsasalita ng English.
Dahil dito kaya tinawag ni Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap na mali at insensitive ang pagpupumilit ni Deputy Speaker Sergio Apostol na magsalita siya ng Ingles sa pagtatalumpati sa plenaryo.
Ito’y kasunod ng paninita ni Apostol sa privilege speech ni Hicap tungkol sa Mendiola massacre na hindi daw niya maintindihan dahil Filipino.
Giit ni Hicap, mas komportable siya sa Filipino dahil malinaw niyang naipahahayag ang kanyang sarili at nais rin niyang maiparating ang kanyang mensahe sa masa.
Ipinaalala ni Hicap sa liderato ng Kamara na marginalized sectors ang binibigyan nila ng boses sa kongreso subalit sa kabila nito patuloy na gagampanan ni Hicap ang kanyang tungkulin sa wikang nakasanayan niya.
Sabi ni Hicap, hindi niya ikinahihiyang hindi siya mahusay mag-Ingles tulad ng karamihang mambabatas na mataas ang inabot na edukasyon.
- Latest