Supreme Court ruling kay Erap hindi na iaapela
MANILA, Philippines - Wala nang balak pa ang kampo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na iapela ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagbabasura sa disqualification case laban sa dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Atty. Alicia Risos-Vidal, tanggap na nila ang desisyon ng SC at iginagalang nila ang naging hatol ng mga mahistrado sa kanilang petisyon.
Sinabi ni Vidal na nirerespeto nila ang SC ruling at ito na rin ang daan upang hindi na magulo ang sitwasyon lalo na ang mga taga Maynila.
Sa botong 11-3, dinismis ng SC ang reklamo sa pagsasabing absolute pardon ang ibinigay ni dating Pangulong Gloria Arroyo kay Estrada dahilan para mabalik ang civil at political rights nito at kilalaning kandidato sa mayoralty race noong 2013.
Umaasa si Atty. Vidal na magiging aral sa mga magiging pangulo ng bansa ang kanyang inihaing petisyon sa SC para linawin ang pagbibigay ng pardon.
- Latest